Musical Wanderings

May Isang Ibon

Music and Lyrics by Ariel Sagum

Created: 20 July 2008
Genre: OPM
Length: 3 mins 24 secs
Status: Draft


To download, right click and choose Save Target As...
>>Download .wma file
>>Download .mp3 file

May isang ibon, may pugad sa sanga
Nais niyang lumipad, mundong malaya
At maglalaro
Isang pagsisimula

May pananabik
Sa kislap ng kanyang mata
Laging bukambibig
Pag-alis sa sanga
Ngunit sa lilim ng dahon, ay nagtatago
Tuwina'y humihibik
Nanghihina ang loob


Chorus:
Itong ibong ito'y hindi Adarna
May bahid na ginto ang pakpak niya
Hanggang sa pagdilim
Nanatili sa sanga
Ang kanyang dahilan
Ay wala raw siyang paa


Sa taas ng mga ulap ay naghihintay
Magandang bahagharing ibat-ibang kulay
At sa isang saglit
Puso ay pipintig

Bumubulong-bulong sa kanyang isip
Mga huni at boses na nagmamalasakit
Tinatanaw na lang
Mapayapang langit
Sa halip na ikampay ang pakpak
Nakikita'y balakid

Chorus:
Itong ibong ito'y hindi Adarna
May bahid na ginto ang pakpak niya
Hanggang sa pagdilim
Di umalis sa sanga
Ang kanyang dahilan
Ay wala raw siyang paa

Instrumental:

Chorus:
Di na aabutin ang langit na bughaw
Magmumukmok na lang hanggang lumubog ang araw
Kung kanya lang maiisip
Kung kanya lang madadama
Sa pangarap na paglipad
Di niya kailangan ng paa




In the works:


Tools of the Trade:

X-Series Stratocaster Electric
Zoom FS-100 Pedal Switch
Behringer Mixer

Cautionary Note:

1. A Sagum has had no formal music training. That should be apparent from his compositions.

2. A Sagum can't read notes, much less write them. He would not understand the concept of the perfect fifth, nor that of inharmonicity and dissonance. Furthermore, to him, staccatissimo and legato are variants of coffee.

3. A Sagum is a rubbish singer. His voice may cause nausea. Listen to his songs not with your ears but with your heart.